Hanggang kelan ba ito?
Di ka ba napapagod?
Hanggang kelan mo titiisin?
Hanggang kelan ka mananatiling ganito?
Sabi ng katawan at isip mo ikaw ay pagod na.
Hanggang kelan ka magiging tanga?
Katulad ka din nya.
Pareho kayong tanga.
Akala ko din ay matalino ka.
Di ba yun din ang sabi ng iyong ina?
Sayang ka. Matalino ka pa naman daw.
Eh bakit nandyan ka ngayon?
Bakit ka nagrerebelde?
Eh kasalanan mo naman kung bakit nandyan ka.
Wala ka namang masisising iba.
Ginusto mo yan
Maiinggit ka na lang palagi sa iba at sassabihing…
mabuti pa sila.
Kahapon ay may pinanood kang kinilig ka.
Hindi man eksaktong ganun ang nangyari sa yo pero sa isang banda ay naka relate ka.
Nasaktan ka nanaman at inisip na sana may ganun talagang klase ng lalakeng para sa yo.
Eh ilang beses mo na bang sinabi ito tuwing nanonood ka ng love story?
Sabi mo pa nga napaka fictional naman ng character na lalaki.
Walang ganung lalaki. Sa movie mo lang talaga makikita ang ganun.
Pero sa kinikimkim mong damdamin ay hinihiling mo na sana may ganung dumating sa buhay mo.
Isang Edward…
Isang Chone…
Isang Fin….
Isang Hugo….
Kahit ano pa man ang pangalan nya…. isang knight and shining armor. Isang prinisipe. Sasagipin ka sa panganib.
Feeling mo isa kang prinsesa.
Isang prinsesang nakaupo sa tasa.
WALA NGANG GANUNG KLASE NG LALAKI!
Kung ako ay naging lalaki lang… gusto kong maging ganun.
Pero hindi,
Be realistic.
Andito ka na.
Wala ka ng magagawa.
Wala na nga ba talaga?
Eh hanggang kelan ka ba talaga dyan?
Naiinip na kasi ako.
Ano ba talaga ang gusto mo?
Gusto ko ay magpahinga.
Magpahinga na habang buhay.