Para sa yo aking kaibigan (06-29)

Posted: June 28, 2011 in Uncategorized

Para sa yo aking tunay na kaibigan…. teka parang simula to nung poem na ginawa ko para sa yo ah. di ko na matandaan
kung nasan na yun. Gusto ko lang magpasalamat sa yo. Lagi ka talagang nandyan kapag kailangan kita. Sana lang
palagi din akong available pag kailangan mo ako. Pasensya na.
Basta isa lang ang request ko sa yo. Pupunta ka sa funeral ko ha. At kailangan magsalita ka at kwento mo ako sa kanila
sa pagkakakilala mo sa akin. Sa eulogy ko gusto ko may tugtugan. At please lang wag mong awayin ang asawa ko.
Ikwento mo na lang sa kanila kung sino talaga ako. Tingin ko ikaw lang naman talaga ang nakakakilala sa akin. Eh lahat
nasasabi ko sa yo. Masakit man para sa yo o hindi sinasabi ko pa rin sa yo. Kasi alam kong ikaw lang ang makakaintindi
at makikinig sa akin.
Ang tigas ng ulo ko di ba. Magsasabi ako ng sama ng loob pero ayoko namang tanggapin yung mga payo mo. Pasensya
na kung naistorbo kita pero hindi din pala ako makikinig.
Basta salamat sa lahat. Sa atensyon, sa pagmamahal, sa pagiging ikaw. Sana nandito ka sa tabi ko. Tulad dati pag may
problema ko sa dati kong jowa tapos ikaw yung pinagsasabihan ko. ang selos kaya sa yo ng jowa ko noon.
Isa pa palang bilin ko…. hindi lang dapat ikaw ang tutugtog ha. Gusto ko sa burol ko masaya. May jamming. Lahat kayo
kakantahan ako. Syempre kasi di na ako pwedeng kumanta di ba. Magulat kayo kung bigla akong kumanta dun.
Alam kong para akong tanga dahil nagbibilin na ako. Pero hindi mo din masabi di ba. Hindi naman natin alam kung kelan
dadating yun. Pwedeng magtagal pa ako pwedeng hindi. Basta alam mo na ang bilin ko.
Muli….maraming salamat.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s