Kailangan ko pa bang ipaliwanag? Sabi nga ni Ms. Cynthia habang kausap ko kahapon sa yosihan…. you’ll gaga when you fall in love.
Bakit nga kaya minsan hindi kayang kontrolin ng isip ang puso? Kaya kahit wala na sa lugar di pa rin natin naiintindihan.
Sabi nga ni Donna Cruz… kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.
Minsan nawawala tayo sa sarili natin kapag puso ang ginamit natin. Yung matalino nagiging tanga. Yung mali nagiging tama. Yung pangit nagiging maganda. Yung mabait nagiging masama.
Bulag kasi ang puso. Actually, walang mata ang puso.
Minsan kahit sumusuko na ang utak mo, yung puso hindi pa rin.
Bad trip!
KAPAG TUMIBOK ANG PUSO… WALA KA NG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO!
KAPAT TUMIBOK ANG PUSO…. LAGOT KA NA!
SIGURADONG HULI KA!