THE HEART HAS NO BRAIN

Posted: June 29, 2011 in Uncategorized

Kailangan ko pa bang ipaliwanag?  Sabi nga ni Ms. Cynthia habang kausap ko kahapon sa yosihan…. you’ll gaga when you fall in love.

Bakit nga kaya minsan hindi kayang kontrolin ng isip ang puso?  Kaya kahit wala na sa lugar di pa rin natin naiintindihan.

Sabi nga ni Donna Cruz… kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.

Minsan nawawala tayo sa sarili natin kapag puso ang ginamit natin.  Yung matalino nagiging tanga.  Yung mali nagiging tama.  Yung pangit nagiging maganda.  Yung mabait nagiging masama.

Bulag kasi ang puso.  Actually, walang mata ang puso.

Minsan kahit sumusuko na ang utak mo, yung puso hindi pa rin.

Bad trip!

KAPAG TUMIBOK ANG PUSO… WALA KA NG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO!

KAPAT TUMIBOK ANG PUSO…. LAGOT KA NA!

SIGURADONG HULI KA!

Sabi mo kapag patay na ang isang tao hindi na nya maiisip kung ano ang mangyayari sa mga naiwan nya.
Oo nga ano. So ibig sabihin kapag patay na ako hindi ko na kayo proproblemahin. Magandang idea ang ibinigay mo sa
akin. Matatapos na rin ang kalbaryo ko kapag wala na ako. Mapapahinga na ako sa wakas. Yun lang naman ang
gusto ko eh. Magpahinga. Magpahinga sa lahat. Sa trabaho, sa pagiging kaibigan, sa pagiging kapatid, sa pagiging ina
at lalo na sa pagiging asawa mo.
Hindi mo lang alam kung gaano kahirap maging asawa mo. Ang hirap mong intindihin. At ang hirap mong umintindi.
Ang sabi mo masyado akong matalino at gusto ko ako ang laging tama. Simple lang naman ang mga bagay bagay.
Bakit kahit simpleng bagay hindi mo maintindihan. Hindi ko kasalanan kung bakit naging ganyan ang buhay mo.
Dumating ka sa akin ng ganyan ka na. At tinanggap kita. Ang dinadasal ko lang at umasa ako mulat sapul na magkasama
tayo ay ang magbago ka. Oo sa ibang bagay ay nagbago ka. O nagbago ka nga ba? Pilit mo man itago ay lumalabas pa
rin ang tunay na ikaw. Lalo na kapag nag aaway tayo.
Ang hirap. Nakakapagod. Yung palaging ako na lang ang kumikilos. Ako lang yung gumagawa ng paraan. Lahat na lang
para sa ikakadali ng bagay para sa yo. Hindi ka pwedeng mahirapan. Lahat ng hirap nasa akin lang. Lahat ng ginhawa ay
nasa yo.
Minsan sinumbat mo sa akin na ang tingin ko sa yo ay wala kang silbi. inutil ka. Yan ang tingin mo sa sarili mo. Yan ang
pinapakita mo sa akin. Hindi na kita kayang tulungan. Tulungan mo ang sarili mo. 4 na tao na ang responsibilidad ko.
Hindi nila kasalanan na lumabas dito sa mundo. Baka nga kung may choice sila hindi nila tayo pipiliin. Pero andyan na sila.
Ano pa ang gagawin natin? Responsibilidad natin sila. Natin. Hindi lang ako. At hindi lang ako gumawa sa kanila.
Kelan ka ba magigising? Kelan ka ba mag iisip ng maayos?

Haaaay…. paano ka na kaya kapag wala na ako. Ay… dapat pala di na kita pinoproblema dahil sabi mo nga pag patay na
ako di na ko mamromroblema.

Sulat para sa yo (06-28)

Posted: June 27, 2011 in Uncategorized

Hindi kita nakita kahapon. Hindi naman sa hinahanap kita. Napadaan lang ako sa pwesto nyo at di kita napansin doon.
Hindi naman sa talagang nililingon kita doon. Napalingon lang.
Napaisip tuloy ako kung bakit wala ka. Siguro nag away kayo ng jowa mo.
Eh wala na akong pakialam sa inyo.
Basta ako malungkot at gusto ng mamatay.
Ang tagal naman lumala ng sakit ko. Para hindi na ako magpapakamatay.
Kusa na akong mamamatay.

Pasensya na pero ito lang ang nakikita kong paraan para makatakas dito.
Wala na akong malulusutan eh.
Yun na lang.

Hindi na matatapos ang problemang ito hanggat buhay ako.

Liham para sa akin (06-27)

Posted: June 26, 2011 in Uncategorized

Hanggang kelan ba ito?

Di ka ba napapagod?

Hanggang kelan mo titiisin?

Hanggang kelan ka mananatiling ganito?

Sabi ng katawan at isip mo ikaw ay pagod na.

Hanggang kelan ka magiging tanga?

Katulad ka din nya.

Pareho kayong tanga.

Akala ko din ay matalino ka.

Di ba yun din ang sabi ng iyong ina?

Sayang ka.  Matalino ka pa naman daw.

Eh bakit nandyan ka ngayon?

 

Bakit ka nagrerebelde?

Eh kasalanan mo naman kung bakit nandyan ka.

Wala ka namang masisising iba.

Ginusto mo yan

Maiinggit ka na lang palagi sa iba at sassabihing…

mabuti pa sila.

 

Kahapon ay may pinanood kang kinilig ka.

Hindi man eksaktong ganun ang nangyari sa yo pero sa isang banda ay naka relate ka.

Nasaktan ka nanaman at inisip na sana may ganun talagang klase ng lalakeng para sa yo.

Eh ilang beses mo na bang sinabi ito tuwing nanonood ka ng love story?

Sabi mo pa nga napaka fictional naman ng character na lalaki.

Walang ganung lalaki.  Sa movie mo lang talaga makikita ang ganun.

Pero sa kinikimkim mong damdamin ay hinihiling mo na sana may ganung dumating sa buhay mo.

Isang Edward…

Isang Chone…

Isang Fin….

Isang Hugo….

Kahit ano pa man ang pangalan nya….  isang knight and shining armor. Isang prinisipe.  Sasagipin ka sa panganib.

Feeling mo isa kang prinsesa.

Isang prinsesang nakaupo sa tasa.

WALA NGANG GANUNG KLASE NG LALAKI!

Kung ako ay naging lalaki lang… gusto kong maging ganun.

Pero hindi,

Be realistic.

Andito ka na.

Wala ka ng magagawa.

Wala na nga ba talaga?

Eh hanggang kelan ka ba talaga dyan?

Naiinip na kasi ako.

Ano ba talaga ang gusto mo?

Gusto ko ay magpahinga.

Magpahinga na habang buhay.

Sulat para sa yo (06-27)

Posted: June 26, 2011 in Uncategorized

Akala ko…..

Akala ko mabait ka yun pala hindi.

Akala ko matino ka yun pala hindi.

Akala ko isa kang kaibigan yun pala hindi.

Akala ko matalino ka yun pala hindi.

Akala ko di mo ko iiwan yun pala ay pababayaan mo lang din ako.

Lahat ito ay puro akala hanggang sa makilala ko ang tunay na ikaw.

Hindi ka pala kaibig-ibig.

Hindi pala ikaw ang aking matagal na hinihintay.

Hindi pala ikaw ang magbibigay ng ngiti sa aking mga labi.

Hindi pala ikaw ang gusto kong makasama.

Nasasaktan akong malaman ito na ang inakala ko’y hindi pala totoo.

 

 

Kung ako na lang sana

Posted: June 26, 2011 in Uncategorized

Heto ka naman
Kumakatok sa aking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto na naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan kung bakit ba

Hindi ko pa nadadala

Hindi ba’t kailan lang nang ika’y iwanan nya

At ewan ko sa iyo

Parang bale wala ang puso ko

Ano nga ba meron siya

Na sa akin ay di mo makita

Chorus:

Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang iyong minahal

Di ka na muling luluha pa

Di ka na mangangailan pang humanap ng iba

Narito ang puso ko

Maghihintay lamang sa iyo

Verse 2:

Heto pa rin ako

Umaasa ang puso mo

Baka sakali pang ito’y magbago narito lang ako

Kasama ang buong buhay mo

Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan

(Repeat Chorus 2x)
Kung ako na lang sana…

BUWAN (moon)

Posted: January 21, 2011 in Uncategorized

 

magdidilim na naman

alam kong ikaw ay darating

at di mo ako binigo

paglabas ko ay nandun ka at tila nag aabang

pinagmasdan ko ang buo mong kaanyuan

di ko mapigilan ang mamangha at mapatunganga

sa pinakamagandang anyo na aking nakita

kasabay kitang umuwi

at di man kita mahawakan ramdam kong andyan ka lang sa aking tabi

di ko maiwasang titigan ka at pagmasdan ang iyong kagandahan

ngunit may mga gabi na natatakot ako sa iyong anyo

kung minsan pa nga ay ginagawan kita ng kwento sa aking isipan

tulad ng mga kwentuhang katatakutan noong kabataan

may mga gabi naman napakaliwanag ng iyong mukha

mga kwentong pag-ibig naman ang umiikot sa aking isipan

minsan napansin ko ikaw ay mag-isa

ramdam ko ang iyong lungkot

alam ko ang pakiramdam ng naiiwanan mag isa

sanay kang may mga kasama

kaya’t kahit antok na ay sinamahan kita

pinagmamasdan mo ako at pinagmamasdan kita

kahit hindi mo ako mahawakan

kahit hindi kita mahawakan

alam mong nandito lang ako at naghihintay

sa pag dilim at tahimik ng mundo

kapag tulog na ang lahat

andito lang ako aking buwan… at naghihintay.